Just Random

Things I Like

Collage 2016-05-15 09_28_31

Malungkot na gabi para sa amin. Nadisgrasya ang aking baby boy. Pumutok ang labi at nabasag ang mga ngipin. Maga ang nguso. Hindi ako nakapasok sa trabaho. Mabuti at mabait ang boss ko. He offered me another night of leave to stay at home and take care of my baby. Thanks,OM! Kung pwede lang nguso ng mga sinungaling ang pumutok,ano? Anyway, dahil sad ako at gusto kong madivert ang attention ko sa medyo masaya naman, I’ll blog about Blogging U’s Writing Everyday Inspiration.  I’m on Day 2 and the topic is Write A List. They provided lists of things that we can write about;

Things I Like

Things I’ve Learned

Things I Wish

Things You’re Good At

I will write about Things I Like.

Marami akong gusto talaga. Iba iba. Pagkain, palabas, tao, gamit etc. kaya Things I like ang napili kong topic. Bet ko rin sana yung Wish saka Learned kaso baka maging madrama ako.

I like sweets– chocolates, cake, ice cream, halo halo, gulaman at kung ano ano pa. Basta matamis, gustong gusto ko. Kaya ang laki ng tyan ko e.

IMG_20160515_092014

 I like cartoons/animes nung 90’s– Detective Conan, Card Captor Sakura, Sailor Moon, Hunter X, Flame of Recca, Ghost Fighter, saka Magic Knight Rayearth.

FB_IMG_1442250302338

I like Korean series and movies– ang ganda ng mga story, hindi complicated ang plot, walang masyadong halikan, ang gagaling umarte ng actors, hindi paulit ulit amg story. Walang laging nagkaka amnesia at ngpapakasal sa ending.

Collage 2016-05-15 09_23_02

I like books– dati, more love story ang trip ko. Nabasa ko na yata lahat ng Sparks na libro pati Sophie Kinsella. Harry Potter forever! Marami pa kong nabasa pero after my depression nung 2014, madalas ko ng basahin self-help books. Mitch Albom ,ayan favorite ko na siya.

I like to sing and dance– ayaw lang sakin ng pagkanta. Sumasayaw ako nung elementary at high school.

Collage 2016-05-15 09_26_30

I like to eat– naging hobby namin ito ng husband ko when we tried to rebuild our marriage. Since naging maayos na ulit kami, lagi na kaming naghahanap ng bagong kainan. Kahit yung dyan lang sa tabi tabi basta yung bago. Parang naging panata na namin na magdiscover ng something new tulad sa relationship namin. Arte lang. Haha.

Collage 2016-05-15 09_25_22

I like (and love) mommyhood and my being a wife- maaga akong nag-asawa at mas bata sakin ang asawa ko. Mahirap lalo na at ayaw namin umasa sa mga magulang namin dahil nahihiya na kami pero proud ako at nakaya nnamin ng asawa ko. Kahit mahirap maging working mom/dad, push pa rin! Marami akong natutunan dahil sa kanila. Dahil sa kanila naging responsable ako at mature (ng konti) Sa asawa ko naman, natuto ako na maging mapagbigay at mapagpasensya. At salamat sa kanya , alam kong merong poreber. Lelz.

I like to dream– marami akong pangarap para sa pamilya ko at sa sarili ko. Pati sa sa Philippines narin. Pinagdarasal ko na ibless ni Lord ang mga yon kung will Niya na matupad. Drama,no?

Habang tinatype ko to, nakahiga ang bebe ko sa dibdib ko. Sana maging ok na siya. Yun lang muna..

Day 2 of Blogging U- Writing Everyday Inspiration.

Advertisements

4 thoughts on “Things I Like”

  1. pagaling ka baby!!!!
    and atee, masaya ako kasi khit bata ka nag asawa you both manage to stand on your own, hndi tulad nag iba magulang padin ang nag pprovide, wishing you a happy ansd blessed marriage life 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s