Just Random

Let Social Media Inspire You

Friendship … is born at the moment when one man says to another “What! You too? I thought that no one but myself . . .

C.S. Lewis, The Four Loves

From Goodreads

Kung meron akong isang ipagmamalaki sa buhay ko, yun ay ang pagkakaroon ng mabubuting kaibigan. Minsan nga feeling ko I don’t deserve their kindness dahil lagi silang nakikinig sakin tapos pakiramdam ko wala naman akong nagagawa para sa kanila.

Hanggang ngayon, tropa ko pa yung mga kasama ko sa lakwatsa nung highschool and college. Uso din samin yung pangalan ng barkada at meron kami nyan. Una na tong ZABHAO– tawag namin sa barkadahan namin nung highschool. Halong beks at babae. Hinango namin yan sa “sabaw” pano yung beks kong friend pag nakakita ng lalake na may ichura sasabihin “AY SABAW! PENGE NGA NG KANIN!” Nung college, TROPANG PUREZA naman kami. Oo, yan yung Pureza St. sa Sta.Mesa. Lahat kasi kami doon dumadaan (hello sa mga taga- COC!) Miss ko na nga mga yan e. Di na ko masyado nakakasama sa mga lakad dahil sa schedule ko at sa mga anak ko pero ayos lang dahil alam ko magkakaibigan pa rin kami kahit na hindi na kami kasing malaya tulad ng dati. 

Sa office, nakakilala rin ako ng mga tunay na kaibigan. Yung tipong kahit nagresign na, hindi kami nakakalimot sa isat isa. Lalo kong napatunayan kung gaano ako naging blessed sa mga kaibigan ko nung nagkaron ako ng depression way back 2014. Sila lang at ako ang nakakaalam ng pinagdadaanan ko. Araw araw silang nakikinig sa paulit-ulit kong issue sa buhay. Walang sawa silang nagbibigay ng payo at kulang na lang eh iuntog ang ulo ko para matauhan ako. Nandon sila sa tabi ko at isa sila sa mga dahilan kung bakit nasurvive ko ang dark chapter na yon sa buhay ko. Pati sa mga raket ko, ever supportive ang mga loka. Haha. May mga nagresign na rin pero naalala pa rin namin ang isat isa at di nakakalimutan ang kamustahan.

Meron akong BFF, my best friend since 9yrs old yata ako. Halos sabay din kaming nagasawa. 2 na rin anak nya at girl and boy din (i miss you beshy) Nung napasali ako sa moms group, nakakilala rin ako ng mommy friends. Kahit maraming ahas (lol) alam ko at kilala ko na kung sino yung mga totoo. Madalas ko rin silang kausap. Nakakalibang.

Sabi nga nila hindi baleng konti ang mga kaibigan mo basta totoo. Mapalad ako at nabiyayaan ako ng mga tao na laging nandyan para sakin. Yung kahit hindi kayo madalas magkasama, alam nyong mahal nyo pa rin ang isat isa. Isa sila sa mga dahilan kung bakit naniniwala ako sa FOREVER- merong FRIENDS FOREVER!

*****

Day 7 of Blogging U’s Everyday Writing – Let Social Media Inspire You

Advertisements

15 thoughts on “Let Social Media Inspire You”

    1. Hi 🙂 the language I use when I post depends on my mood. Since it’s too sentimental , I wrote it in Filipino. I feel like I could express myself more using my own language. Thanks for the feedback and sure, I’ll have posts in English in the future 🙂

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s