My Better Half

FB_IMG_1454800319978

Because I read a post about being clingy (thanks, Aysa), I suddenly missed my husband.

Warning: Maarte tong post na to at napaka pasweet kaya kung ayaw mo ng maarte, wag mo na basahin. Hahaha. Maiinis ka lang. Lol.

Nasa Cogeo sya ngayon e. May inaasikaso. Sa mga nakabasa na ng ibang post ko, alam nyo naman na maaga akong nag-asawa. 16 years old lang noon husband ko. Nagstop sya mag-aral para magtrabaho kasi gusto nya kong pag-aralin at pagtapusin. Hindi ko naman sya binigo. Sobrang dami na rin namin napagdaanan at nalagpasan na challenges. Anyway, itong asawa ko ay napaka bait. Sabi nga ng tita nya, baligtad daw kami kasi asawa ko ay palabati ako, uhm, hindi ako suplada,promise pero sadyang tahimik lang ako pag nasa bahay. Sya ang mentor ko at critic ko. Kapag sumosobra nako sa mga sinasabi at ginagawa ko, sinasaway nya na ko. Sinasabi nya kapag hindi tama ang ginawa ko. Hindi sya kunsintidor. Kapag malungkot o bad trip ako sa isang bagay, makikinig yan. Magbibigay ng opinyon. Ang sweet din nya, marami syang banat na nakakakilig. Haha. Tulad nung sinabi ko na feeling ko kapag na make over ako gaganda ako. Sabi nya hindi ko kailangan ng make over dahil maganda nako inside and out. Genern. De nemen meshede. Ang sipag din nyang asawa ko. Mahirap lang gisingin sa umaga. Haha. Kaya sya nagustuhan ng boss nya dahil sa kasipagan nya. Mahusay pa syang makisama kaya rin marami syang kaibigan. Pagdating sa mga anak, marunong din mag-alaga. Sya ang babysitter ni bunso sa gabi. Sa umaga nung may pasok pa, sya naman nagpprepare kay Ate sa school at naghahatid.

Kapag rest day, sya nagiisip kung saan pupunta kasama ang kids. At hanggat maaari ayaw nyang meron akong team building kasi raw overnight, hindi kami makakapag bonding. Haha. Nakakapag date din kami na kaming dalawa lang. Nag hoholding hands pag naglalakad. Kini-kiss nya ako sa bahay kahit tipong nanonood lang kami ng TV. Minsan ako nahihiya kasi nandyan si Mama (byenan ko haha) Kapag wala kaming pasok, sya nagluluto. Itatanong kung anong gusto ko.

Hindi perfect ang asawa ko ha. Mabilis uminit ulo nya at minsan mataas ang boses. Haha! pero ganon naman yon di ba. Kaya mag-asawa para yung weakness ng isa, strength mo naman, tulungan kayo. Nakokonsensya nga ako minsan dahil tingin ko nagkukulang nako sa time at sa energy. Buti napaka understanding nya. Ni hindi ko sya mamasahe. Sana makabawi ako sa kanya.  Wala lang, namiss ko lang talaga sya. Haha. Ang tagal pa mag 7pm,mamaya pa sya uuwi. Sana 7pm na para andito na sya. Hihi.

“I know the color of love and it lives inside of you..”

Advertisements

13 thoughts on “My Better Half

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s