MarriageNuggets

Happy Papa’s Day

20160528_125434

June 19 is Father’s Day and I joined an online contest for this event. We needed to answer a question and it  was “Ano ang mga bagay na tatay lamang ang makakapagbigay sa pamilya?” (What are the things that only a father can give?)

For me, gender should not hinder you from doing what you can for your family. A father can also accomplish what a mother can( well we have to exclude pregnancy though 😉 ) But if there’s a special thing that only a father can give, it’s security. Making his family feel secure not only in terms of providing their needs but by being faithful to God ,his kids and his wife. Here’s the whole post. I shared a brief story of my husband when we were just starting. Happy Father’s Day to all Papas out there! 🙂

20160528_125521

Kung merong teenage pregnancy, meron ding teenage fatherhood. Yes, bata kaming nag-asawa ng husband ko. 16 sya at 17 ako. Nagstop sya magaral para magtrabaho dahil ayaw na kong pag-aralin ng mga magulang ko. Nagalit dahil nga maaga kong nagbuntis. Bilang bunso ang asawa ko, spoiled sya kaya nahirapan syang mag adjust sa trabaho. Halos buwan buwan tnatrangkaso sa hirap ng ginagawa sa fastfood. Maliit lang sweldo nya kaya dumating sa point na nagduduty sya sa 2 store para lumaki ng konti ang perang iuuwi nya pambili ng needs ng baby girl namin at pampaaral sakin. Sa awa ni Lord, napagtapos nya ko ng pag-aaral. Hindi ako nagstop at nandon ang asawa ko nung graduation day ko dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ko mararating kung anong meron ako ngayon. He’s the man behind my success. Marami pa kaming pangarap na gustong iachieve para sa aming pamilya at naniniwala ako na matutupad namin yon ng magkasama.

Ano ang kayang ibigay ng isang ama na hindi kayang tumbasan ng isang ina? Para sakin, lahat ng kayang gawin natin, pwede rin gawin ng isang ama basta gugustuhin nya. Hindi sa kasarian nasusukat ang capability ng kaya mong gawin para sa pamilya mo liban na nga lang sa pagbubuntis at panganganak 🙂 Pero kung merong espesyal na bagay na tatay lang ang kayang magbigay, ito ung security. Yung pagsundo sa mga anak,pangangaral at kahit yung pagtetext para itanong kung nasan na ba ang anak nila, iba kapag tatay ang gumagawa non. Yung security na ipinapadama ng isang ama na nagsasabing, “anak, hanggat buhay ako walang pwedeng manakit sayo. Poprotektahan kita sa abot ng makakaya at lakas ko”. Masarap sa pakiramdam kapag alam mo na ang yung haligi ng tahanan ay talagang pinaninindigan ang pagiging haligi nya, hindi lang sa kabuhayan kundi sa pagtatanggol sa pamilya at pagiging matatag sa mga tukso at iba pang bagay na pwedeng sumira ng masayang pamilya.

Wala naman perpektong ama pero saludo ako sa mga tatay na pinipilit maging mas mabuting tao para sa anak at asawa. Happy Father’s Day sa mga tatay na malalapit sa inyong buhay 🙂

Advertisements

15 thoughts on “Happy Papa’s Day”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s