HAPPYness Project

HAPPYness Project: Gusto Ko (1)

IMG_20160512_143049

YOLO. Usong-uso ang term na ito sa “millenials”. We only live once nga naman. Kahapon habang sikip na sikip ako sa LRT, naisip ko na ang dami ko palang gustong maging at gawin sa buhay ko. Naisip ko pa talaga yon sa kabila ng pagkapit ko para di matumba habang umaandar ang train. Hindi ko alam kung bunga ito ng stress sa trabaho kaya masarap mag-daydream. Sa totoo lang naiisip ko na naman mag-resign kay kesa mastress ako, ilagay ko na lang lahat ng nagpapasaya sakin na thought. 

Ito ang unang entry ko sa aking HAPPYness Project, masyado na akong nacoconsume ng kalungkutan at frustration lately kaya everytime na aatakihin ako ng stress o self-pity, magbablog ako tungkol sa mga bagay na makakapagpasay sa akin.

Bukod sa pagkain ng marami pero hindi tumataba, narito ang ilan sa mga pangarap kong mangyari sa buhay ko;

1. Gusto kong maging broadcaster/journalist- Jessica Soho, ganern! Kaya nga Broadcasting ang kinuha kong course nung college dahil gusto ko talagang mgtrabaho sa industriya ng pamamahayag. Pupunta ka sa isang lugar magcocover ka ng balita o dokumentaryo. Magsusulat ng balita o editoryal o lathalain depende sa kung ano ang ipagawa sayo. Ang sarap siguro pag makita mo lagi sa TV ang bunga ng pinagpaguran mo at alam mo na parte ka ng mahahalagang kaganapan sa Pilipinas.

2. Gusto kong maging online teacher o VA o magkaron ng kahit anong home-based job na stable- hindi naman habang buhay e bayaning puyat ako. Naiisip isip ko rin na maging normal na tao ako although may online work na panggabi, at least hindi ko na kailangan bumyahe at gumastos sa damit at pagkain. Walang hassle pag umuulan at sa train. Walang masyadon BS na tao (hugot!) at syempre, mas marami akong oras sa pamilya ko. Kaya sanay-sanay ng writing skills, tanong-tanong sa mga kakilala na ganito ang linya ng trabaho para lalong mainspire at magkaalam home-based jobs.

3. Gusto kong magpakalat ng financial literacy- uunahan ko na kayo, hindi ako mayaman, haha! Nasali lang ako sa grupo sa Facebook na tungkol sa investment at pag-iipon. Nakakainspire sila. Dahil sa grupo na yon, medyo mas naaayos ko ng mag-budget at marami akong natututunan. Ibinabahagi ko ang kaunting kaalaman ko sa iba, sinimulan ko sa mga agent ko, dahil gusto ko silang i-encourage, lalo na yung mga single na mahalaga ang magkaron ng ipon at maayos na paghahawak sa pera. Naniniwala ako na maraming uunlad sa Pilipinas ,lalo na sa mga OFW basta magkaron tayo ng kaalaman tungkol sa investing at savings.

4. Gusto kong magsulat ng libro- hindi ako magaling na writer pero gusto kong magkaron ng sariling libro. Ano ang laman? E di syempre ang buhay ko! Haha. From being pasaway na bata, to teenage mom, to becoming a call center worker hanggang sa pagtataguyod ng pamilya. Masarap balika yung mga panahon na akala ko wala ng pag-asa pero naitawid ko pa rin ang buhay ko sa mga pagsubok kasama ang pamilya at mga kaibigan ko. Haha.

5. Gusto kong magsayaw kasama ang G-force, Streetboys o Sexbomb Dancers- totoo yang sexbomb dancers na yan, hahaha! Ay talaga naman pinag-aralan ko ang bending at split dahil sa kanila. Haha. Ambisyosa kong mag-hiphop kaya gusto ko makasayaw ang G-Force at SB. Sumasayaw ako nung high school at very light nung college bago ako nag-asawa. Hehe.

6. Gusto kong maging housewife with a twist- dati kasi ultimate dream ko maging housewife pero ang twist ngayon e maging work at home mom na ako. Pwedeng trabaho habang nagluluto ka, naghahanda ng baon o nagpapaligo sa anak. Pangarap ko na maipaghanda araw-araw ng almusal ang pamilya ko. Yun bang hindi absenteeism o action plan ang iniisip mo kundi kung ano ang uulamin, ang labahan, ang tiklupin. Ganon. Haha.

7. Gusto kong maging advocate ng family planning at AIDS awareness- hindi ko alam pero simula ng matapos kong basahin ang librong “Malate”, parang nakita ko ang sarili ko na umaattend ng seminar at nag-aaral tungkol sa HIV-AIDS. Gusto kong magbago ang tingin ng lipunan sa mga taong “positibo” at mabawasan ang mga patuloy na nagkakaron nito. Ang pagpaplano ng pamilya ay dapat din malaman ng mga magulang lalo na sa mga lugar na malayo sa health center para maipabatid sa kanila na hindi hobby ang pagawa ng bata at ang kinabukasan ng mga bata ay hindo weather-weather lang.

Kulang ang ilang post para masabi ko lahat-lahat ng pangarap ko. At tingin ko eh masyado akong seryoso ngayon. Sabi naman nila pag nangarap ka, lubusin mo na tutal libre naman. Kaya hayan, sana rin matupad ko yang mga yan, hindi man lahat pero meron akong maachieve bago matapos ang aking paglalakbay 🙂 Iisipin ko na lang ang mga yan para hindi na’ko malungkot sa trabaho at mairaos ko 🙂

Advertisements

16 thoughts on “HAPPYness Project: Gusto Ko (1)”

  1. wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa sa self-pity at bayaning puyat, hahaha,gusto ko din ung work-at-home mom, tunay na madaming BS sa lahat ng kumpanya hahaha, nakakaimbyerna..gusto ko din ung financial literacy eklavu, anung grupo yan?hehehe

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s