HAPPYness Project

Agustong Gusto Ko

Dahil ang Agosto ay Buwan ng Wika, ang blog post na ito ay nasusulat sa Wikang Filipino. 

Parang kahapon lang nang i-post ko ang Hi, Bye, July. Ngayon, heto na naman ako at magkukwento ng lahat ng ganap ngayong Agosto. Ilang kembot na lang, “Ber” season na. Ihanda na ang sarili sa traffic at ang bulsa sa nalalapit na holidays. Bago pa ako makarinig ng kanta ni Jose Mari Chan, ibabahagi ko muna sa inyo ang mga pangyayari sa akin ngayong buwan.

Team Meganern

received_115944035798749.jpeg
Hartchu © Zon

Nadagdagan ako ng mga bagong tao na nahahawakan at sa pagkakataong ito, 7 lalake sila. Ang tagal na mula nung magkaroon ng maraming lalakeng agent sa team ko, haha! Sa totoo lang, nung mga unang taon ko sa pagiging Team Leader, para akong natatakot sa mga lalake dahil baka hindi ko kayang sakyan ang mga trip nila pero ayos din ang boys! Less drama at makukulit din. Galingan natin, Team Megaling, Meganda, Meganern!

Kontesera

Kung hindi mo pa ako pina-follow sa Instagram, i-follow mo na ako, bes! Haha! Paminsan-minsan, sumasali ako sa mga kontes sa IG (short for Instagram) kapag gusto ko ang premyo at mechanics (ang choosy ko no?) Swerte naman at napili ako sa dalawang sinalihan ko. Sobrang cute ang bible stickers na premyo, masyadong girly at maarte (parang ako) at para sa mga bagets, wyn wyn marquez ako ng Belo Baby Love na Talc-Free Powder. Ang saya!

https://www.instagram.com/p/BXkHd9qFjrw/

https://www.instagram.com/p/BXhZhzmFfnY/

Maysakit si P!

Nung nakaraang buwan, si bunso ang maysakit. Ngayon naman, asawa ko. Magaling na sya pero kailangan pa rin naming bumalik sa doktor dahil may iba syang nararamdaman. Ako rin may ikinokonsulta sa doktor. Isama nyo kami sa mga dasal ninyo, please. Sana hindi seryoso at malala ang mga sakit namin. Naniniwala ako sa power ng prayers. Salamat!

The Fault in Our Blogs

FB_IMG_1503876823883
©Vienna

Kung Pinoy ka na may blog sa WordPress, jologs at nais ng isang online community na makaka-relate ka sa mga member, sali na sa The Fault in our Blogs sa Facebook! Thank you, Aysa, sa initiative na ito. Mas nagiging inspirado akong mag-blog kapag mas maraming Pilipino ang nakakasalamuha ko sa blogosphere. Hindi man ako altashushudad (haha) na blogger, nakakataba ng puso kapag alam mong suportado ka ng kapwa mo Pilipino 🙂

Weekly Dose of Positivity

received_1822123927800940

May bago akong ka-echosan sa blog ko. Weekly Dose of Positivity ang ginawa kong title. Ipopost ko ang kahit anong maisipan ko kada linggo na nakaka good vibes. Nasimulan ko na ng positive quote. Warning: Minsan ay magpopost ako ng mga litrato ko dyan pero promise, hindi palagi, haha! Kung nais mong magpadala ng litrato mo, quote, o kahit ano na malakas makahatak ng positive aura, email mo lang ako.

Wag Ka Munang Magdalaga!

Sinipag akong mag-ayos ng damitan ng panganay ko at OMG talaga, ang dami ng damit na hindi kasya sa kanya! Yung iba wala pang isang taon mula ng mabili namin, maliit na agad! Ang bilis lumaki ng Ate namin! Halos nasa chin ko na ang height nya. Konti na lang ang mga natira na pwede nyang isuot ng di sya nagmumukang suman. Kailangan na nya ng bagong pambahay at pang -alis na mga damit. Juicecolored parang hindi pa ako handa na magdalaga ang panganay ko. Kahit nag-aaway kami minsan, gusto ko baby girl ko pa rin sya. I love you, Ate! Wag muna magdalaga, please. (P.S. Wala akong ipopost na picture dahil ayokong maalala na big girl na sya)

Burn Bridges

Naalala ko ang post ni Mommy A tungkol sa burn bridges. Gusto ko ang payo nya na gora, push mag-burn ng bridge kung wala namang kinapupuntahang mabuti. Ngayon buwan, I said goodbye sa isang tao na itinuring kong malapit sa akin. Hindi ako galit at wala na akong sama ng loob sa kanya. Sa totoo lang e na-miss ko sya nung una pero panahon na para i-detach ko ang sarili ko ( note: “kaibigan” ito ha, baka kung anong iniisip mo haha!) dahil pakiramdam ko ay hindi na sya mabuti para sa akin. Masaya ako na mas maayos na ang lagay mo at ng pamilya mo. Sana tuloy-tuloy na yan. Take care!

Ayan na masasabi kong highlights ng aking buwan. Kung may bongga pang kaganapan bago ang katapusan ng Agosto, isisingit ko na lang hehe! Ang bilis ng panahon ano? Kaya dapat ineenjoy natin ang bawat moment, huwag laging nagmamadali (wow, ako pa talaga ang nagsabi nito) para masulit mo ang pagkakataon at makagawa ka ng masayang memories na babalik-balikan mo. Next month ulit!

download-02

16 thoughts on “Agustong Gusto Ko”

    1. Yung experience ko kasi, we just did not send any message at all (iba ito sa post ko hehe) Ganun. Nafeel nya rin siguro na naging distant/cold ako. Nakakahinayang ang friendship pero naisip ko na sa ginawa nyang pagbebetray sakin, I don’t want to keep someone like her sa buhay ko. Wala akong galit, kung mag memessage sya, magiging maayos pa rin naman akong kausap pero hindi ko na sya itinuturing na kaibigan. Isipin mo bakit ka mag lelet go ng tao at kung makakabuti ba sayo.

      Liked by 1 person

  1. sa lahat ng ganap sa agosto mo, pinakagusto ko ung nanalo ka sa IG contest haha, mahilig din kasi ko sumali, kelan kaya ko mananalo, hahahaha

    speaking of burning bridges, naalala ko ung tropapips ko sa disyerto na parang isa na lang siyang magandang panaginip, sometimes, burning bridges is necessary. (wala lang mema lang haha)

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s