Super thank you, Space, sa nomination! Kung ang sa iyo ay Kembular Boom Boom Pak, sa akin naman ay Chenelyn Eme Bumblebee! Haha! Salamat sa laging pagalala. Sana magkapicture tayo one day sa phone mo na 345gb yata sa dami ng laman hehe.
One Lovely Blog Award
Rules:
•Thank the person who nominated you and link their blog in your post.
•You must include the rules and the blog award image in your post.
•You must add 7 facts about yourself.
•Nominate 15 people to this award.
1. Sinong nabili sa ukay ukay, taas kamay! Pagandahin natin ng konti, I love thrift shopping! May binibilhan ako sa Tondo pero madalas nagtitingin ako sa Quiapo, malapit sa simbahan. Kaya gusto kong makapunta sa Baguio dahil alam ko mas bongga ang ukayan don. Ang kailangan sa ukay ay matyaga kang maghanap para maka-jackpot ka. Bago ka magreact, nilalabhan kong maigi yung nabibili ko from ukay, nakahiwalay sa regular na damit. Binabanlian ko rin tapos nakababad sa sabon. In fer ha, matitibay sila. Kasingtibay ng ahente na hindi na pumapasok at hindi nagbabasa ng message mo kahit naka online! Charaught!
Ito ang ilan sa mga dress na nabili ko:
100php. Pinamana ko na kay Ate
https://instagram.com/p/BdrEAKHH7FQ/
65php
https://instagram.com/p/BY2s96tFwEv/
100php
https://instagram.com/p/BLSKMVQDXr4/
100php:
May mga nabili rin ako na perpek shorts at sandos na 50-65php lang each. Ilang taon na rin sa akin yung iba don. San pa may maganda at murang ukay sa Manila? PM mo ko hehe 🙂
2. Bwisit na bwisit ako sa mga nagka-catcall. One day, magbabayad ako sa Palawan tapos sa kanto namin may lalake sa terrace. Dati na nyang ginawa sakin na sitsitan ako nung dumaan ako. Dinedma ko na lang nung una dahil ayokong mapaaway ang asawa ko. E di eto ka no. Pagdaan ko kasama ko ang bunso ko, sabi ni kuya, “seksi, seksi”. Hindi ko muna pinansin. Sabi ko sa sarili ko sa next na daan ko kapag inulit, yari ‘to sakin. Wala kasi akong ibang dadaanan na malapit. Yung isang way ay mega ikot pa, malayo napakainit nung time na yon kaya no choice kundi dumaan ulit sa kanto. Pagbalik ko wala na sya sa terrace. Mabuti naman kako. Nung malapit na ko sa tapat ng bahay nila, lumabas na naman siya at inulit ang pag-catcall. E di nag-super saiyan ako, naawardan sya.
“#|€¥@$! ka bastos ka ah!“
In denial pa si kuya, “hala hindi naman ikaw yun ah”
E di Lalo ko syang dinurog, “$;@!$?&@ ka hindi ako e ako lang tao rito! Bastos!”
Nawala yung poise ko ‘dun besh! Haha! Pero I felt like that’s the best thing to do para malaman nya na hindi tamang mambastos ng babae at sa edad nya, juice ko mahiya sya! After ilang minutes, hinanap nya yung bahay namin, kasama yung kapatid nya na kilala pala ng mother-in-law ko. Super sorry silang magkapatid pero hindi pa rin umaamin so naokray ko na naman sya. Ending, hindi na sya tumatambay sa terrace haha! Hindi ko na sya nakikita. Ang bait din ni Lord at talagang nilalayo sa gulo ang asawa ko dahil nasa Davao sya nung mangyari yan. G na g si P haha. Pero pinakalma ko sya paguwi nya ng Manila. Ayun, haha! Minsan nagsusuper saiyan ako lol.
3. Hindi ko alam na kikay pala ako haha! Hindi naman ako maluho pero mahilig ako sa dress, shoes, bags saka accessories. Hindi naman sobrang mahal ng mga gamit ko. Yung accessories sa 168 at Tutuban ko binibili. Yung ibang dress at bag galing din ng Tutuban at SM. Yung mga rubber shoes ko asawa ko naman ang bumili. Nung nasa Makati ako, lagi akong pumapasok ng naka sandals or flipflops kasi ayokong malaspag ang mga shoes ko haha! I think kaya sila tumatagal sakin dahil binabaon ko sila. More than one year na sa akin yung iba kong sapatos.
Meron akong 14 pairs ng shoes, 3 pairs ng rubber shoes at 3 pairs ng sandals.
Ito ang ilan sa accessories na meron ako. Yung iba dyan 3-4 years na sa akin 🙂
Di ko na mapicturan ang dress and bags kasi tatanungin ako ng asawa ko kung para saan ang ginagawa ko haha!
4. Kung friend kita sa FB, mapapansin mo na I don’t post selfies dahil naniniwala ako na hindi ako photogenic. Haha! Puro family pictures lang ang post ko. Magpost man ako ng solo e yung kuha ng ibang tao. Sa IG nagpopost ako ng nyelfie minsan. Kapag nagseselfie ako, sa 40 na kuha, dalawang pictures lang ang matitira. Rejected na yung iba dahil
hindi maganda. Hehe.
5. May babae bang hindi marunong magkilay? Meron, ako! Gusto kong matuto pero hindi ko kayang tyagain. Pinapaayos ko lang ang shape nyan sa agent ko nung nasa Makati ako. Kumakapal na sya at hindi ko alam kung kanino ko sya ipapaayos. Ayoko ng threading kasi masakit. Gusto ko talagang tatanggalin lang yung lampas lampas. Sino pwedeng pumunta sa bahay para ayusin kilay ko, sagot ko pamasahe, pagkain at kwento.
Sabog na kilay
6. Jejemon ako dati hahahaha! Minsan sa buhay ko e nagsusulat ako ngG zuLat parA sa aZawah Kcoe nA tuLad netoh aT aNg tAwag koH sa KanYa ay BhaiEbheeCkhoe. Lelz. Ang dating email address ko ay bhAbyweStZyd_ahZtig. IkAw phOe? AnoH ZaYo?
7. Napakasimple lang ng pangarap ko, ang maging mabuting ina at asawa at mapagsilbihan sila araw-araw haha. Alam ko mahirap pero yan talaga ang desire ng puso ko haha. Sabi nga sakin dati, sayang naman daw yung career ko kung pagha-housewife ang gusto ko. Aba, e hindi naman sayang kung ang purpose ko naman e para sa ikabubuti ng pamilya ko at maibigay ang best ko para sa kanila.
There ya go. Sana ay nag enjoy kayo sa pagbabasa. This is bhAbyweStZyd, buhbyE nuh!
Suki rin ako ng ukay 😀 Sa Baguio mahal na rin ang ukay nila.
LikeLiked by 2 people
Wah talaga? Gusto ko pa naman makabili sa Baguio. Ano mga nabili mo sa ukay?
LikeLiked by 2 people
waaahhh medyo marami, naguukay din ako dito sa Japan kasi ang mahal ng mga bilihin dito, sa Baguio nakabili ako ng 2 dress 130 php each (mahigpit sila sa tawad) and mga jacket for 20php each pero may mantsa yung iba, so idaan na lang sa ganda 😀
LikeLiked by 1 person
Bet ko yung idaan sa ganda hihi
LikeLiked by 1 person
Congratulations 🙂
LikeLiked by 2 people
Thanks, Bharath!
LikeLiked by 1 person
Well Done. Carry On. 🌟✨💫
LikeLiked by 2 people
Thank you ❤️
LikeLiked by 1 person
Ang daming sapatos ah? Kung si Imelda Marcos ay #Imeldific, ikaw naman si #Megdific.. 😊
At ang astig nung Baby West Side na email. Heheh..
LikeLike
Jheff! Haha. Naku luma na yung ibang shoes jan hehe. Ikaw anong jejemon story mo? Hehe
LikeLiked by 1 person
Taga west ka Meg eh, kalaban ka. Ako kase bH0y e@st c0a$t eh.. 😊
LikeLiked by 1 person
Nyahaha! We dont die, we multiply 😂
LikeLike
Meg!!!! Ako aayos ng kilay mo! Hahaahahahaha! I’m a kilay fairy ahahhahahahaha! Nag-su-super saiyan din ako sa mga oras ng pangangailangan! Ganyan ang totoong kaDDS hahahahahaha! Arborin ko na lang yung polka dot na shoes mo gusto ko yun hahahahahha!
LikeLiked by 2 people
Space sige ayusin mo kilay ko haha. Samahan mo rin ako magpathreading hehe. Ang sarap ikamehame Wave ng mga tulad ni koya. Sige go sa polka dots shoes haha. Luma na nga lang hehe. Mga 3 yrs na sakin yan in fer naitatawid pa sya😂
LikeLike
EOW POWHZZZ. Buti naman nag super saiyan ka. Minsan talaga nakakaasar kapag nakailang beses na, pag isa kasi pwede mo pa palampasin (kahit na alam natin na di tama) pero kapag paulit ulit sarap saktan!!! Ang suggestion ko, mag pa threading ka kahit once para lang makita mo yung tamang shape ng kilay mo tapos after ikaw na magmaintain. Ako pag nagpapathread lagi ako umiiyak pero tiis ganda lang talaga huhu. Congrats nga pala sa award!!! ❤
LikeLiked by 1 person
Kat! Haha! Oo nakkainitnng ulo yung mga gqnun na tulad ni kuya. Ano bang masaya sa pagsitsit di ba? Wah sige magiipon ako ng lakas loob para magpathreading babalitaan kita hihi.! Thanks, Kat:)
LikeLiked by 1 person
Mommy Meg! Unang tingin ko pa lang sayo eh kikay ka na! Hahaha. Kay Ate Space ka magpakilay! Hindi ka ba photogenic? Eh bat ang ganda mo sa pictures? Hahaha. Ako hindi talaga photogenic. LOL. Gusto ko din ang pangarap mo. Pangarap ko din yan. Hahahaha.
Ayun phoewz. 🙂
LikeLiked by 1 person
Apir tayo sa pangarap natin Rhea haha! Naku salang sala na kasi yung mga naipopost ko kaya mukang maganda ko s apic haha!
LikeLiked by 1 person
Dimples pa lang winner na! Haha.
LikeLiked by 1 person
Hihi. Thanks, Rhea ❤️
LikeLiked by 1 person